Karambola ng 3 sasakyan: 4 patay, 14 sugatan
MANILA, Philippines - Apat ang nasawi habang 14 pa ang nasugatan sa karambola ng trak, pampaÂsaherong jeep at motorsiklo sa Concepcion Uno, Marikina, kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Reynaldo Jagmis, hepe ng Marikina police ang mga nasawi na sina Rogelio MaÂrasigan, Romualdo Ortiz, Juanito Autida at isang hindi pa nakiÂkilalang babae.
Ang 14 na nasuÂgatan na pawang pasahero ng jeep ay ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Hospital.
Ayon sa report, ang banggaan ng tatlong sasakyan ay naganap sa J.P. Rizal corner Real Sts., Concepcion Uno, Marikina City, ganap na alas-5:30 ng umaga.
Ayon sa driver ng jeep na si Jay Allapitan, puno ng pasahero ang kanyang sasakyan nang maganap ang aksidente.
Sinabi ni Allapitan, iniwasan niya ang mabilis na trak na kanyang kasalubong kaya tumagilid ang kanyang jeep sa gutter ng kalÂsada hanggang sa maÂbangga.
Aniya, nag-overtake ang trak na minamaÂneho ng isang Bobong Dumaigan, kaya napunta siya sa kabilang linya ng kalsada habang sumalpok naman sa likuran nito ang nakasunod na motorÂsiklo.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak na amoy alak nang kausapin ito ng mga awtoridad.
Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage of property laban kay Dumaigan.
- Latest



















