Event organizer dinakip ng BI
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng kawalan ng Special Working Permit (SWP), isang Indian national ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa loob mismo ng Cuneta Astrodome sa Pasay City noong Disyembre 5.
Si Tejinder Singh Maan o Babbu Maan na isang event organizer ay kasalukuyang nakapiit sa Camp Bagong Diwa matapos na mabigong maipakita ang mga kaukulang papeles para sa nasabing concert.
Ayon kay BI spokesperson Maria Angelica-PedroÂ, walang naipakitang Special Working Permit (SWP) si Singh at walang indikasyon na ang kita ng tiket ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Dagdag pa ni Pedro na maging sa grupo sa NAIA na dumating ay hindi rin nabanggit ang gaÂgawin nilang concert na ibibigay para sa mga biktima ng kalamidad.
Paliwanag ni Pedro, dapat na naiproseso ng ahensya ang pagkakaloob sa kanila ng gratis work permit bilang pagtalima sa pagpapaluwag ng immigration formalities kasunod ng kalamidad.
Nabatid na nagkakahalaga ng mula 2,500 hangÂÂÂgang 3,500 ang bawat tiket.
Una nang inabisuhan ng mga awtoridad ang grupo ni Singh na kumuha ng permit bago ang concert subalit binalewala ito ng huli.
- Latest