^

Metro

Trike driver tigok sa kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas sa saksak ang  isang 30-anyos na tricycle driver na miyembro umano ng  â€˜Commando gang’ nang makasalubong ang isang kapitbahay, patungo sa tindahan sa kanilang lugar, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Michael Baylon, binata, ng  Quiricada St., Sta Cruz , Maynila bunga ng limang  saksak sa katawan.

Kinilala lamang sa alyas na  Dominador Kidlat, residente rin sa  lugar ang suspect  na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section, dakong alas -10:15 ng gabi nang maganap ang   insidente malapit sa harapan ng bahay ng biktima,

Nabatid na katatapos lamang kumain ng hapunan ng biktima at lumabas upang bumili ng sigarilyo nang masalubong umano ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Mismong ang ina ng biktima na si Loida  Baylon ang naging saksi sa insidente na agad humingi ng saklolo sa barangay kagawad na si Geraldine Lopez, ng Brgy. 334, Zone 33, kaya nadala ito sa pagamutan  bagamat patay na nang idating.

Inaalam pa ang motibo sa pagpatay habang tinutugis na ang tumakas na suspect.

vuukle comment

DOMINADOR KIDLAT

GERALDINE LOPEZ

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

MICHAEL BAYLON

QUIRICADA ST.

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with