^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isa sa tandem, na hol­daper makaraang makipagbarilan sa mga pulis, kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Base  sa  report  ni  PO2 Lucy Paradero ng Galas Police Station, naganap  ang insidente sa may Gilmore St., kanto ng 10th St.,  Brgy. Mariana, Quezon City.

Nauna rito, hinoldap ng tandem na suspect ang biktimang si Joel Abajero, 21, ng N. Roxas, Banawe, Quezon City habang naghihintay ng masasakyan  sa  may Gilmore St. sa naturang barangay.

Bumaba umano ang back rider ng Novo motorcycle na walang plaka at tinutukan ng baril ang biktima sabay nagdeklara ng holdap.

Dahil  sa  takot  ni Abajero, ibinigay niya  sa suspek ang pitaka na naglalaman ng P5,000 at mamahaling cellphone.

Ang komosyon ay namataan ng isang pulis na nakatalaga sa La Union PNP at  sinita ang holdaper na agad tumalilis  sakay ng motorsiklo.

Napadaan din sa lugar ang mobile patrol ng Galas Police at hinabol din ang mga suspect na inabutan may 10th St., Brgy. Mariana sa QC.

Pero sa  halip na tumigil ay  pina­putukan ng mga suspek ang mga awto­ridad  dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga suspect habang sugatang tumakas ang ka­samahan nito.

 

vuukle comment

BRGY

GALAS POLICE

GALAS POLICE STATION

GILMORE ST.

JOEL ABAJERO

LA UNION

LUCY PARADERO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with