^

Metro

Ginang iniwan ng mister, naglason

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Winakasan ng isang ginang ang sariling buhay makaraang uminom ng silver cleaner solution dahil sa problema nang iwanan ito ng mister, kamakalawa ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Shiela Alipungan, 42, ng M. Dela Cruz St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kapatid na si Jennilyn Alvarez, 33, sa loob ng kuwarto nito.

Nauna rito nagkaroon ng inuman sa bahay ng nasawi kasama ang kanyang mga barkada at kapatid na si Jennilyn  dakong alas-9 ng gabi.  Umupo pa umano sa umpukan ang biktima at kasamang nagpakuha ng larawan bago pumasok na ng kuwarto.

Nang matapos ang inuman, ay pumasok sa  kuwarto si Jennilyn at doon nadiskubre ang pagpapatiwakal ng kanyang ate. Isang bote na pinaglagyan ng silver cleaner solution ang natagpuan malapit sa katawan nito na pinaniniwalaang ininom.

Ayon kay Jennilyn, matagal na umanong nagpla-planong magpatiwakal ang kanyang kapatid mula nang iwanan ng asawang si Gelo Alipungan na ngayon ay naninirahan na sa Roxas City, may tatlong taon na ang nakararaan.  Hindi lamang ito natutuloy dahil sa payo nila sa kapatid.

 

vuukle comment

AYON

DELA CRUZ ST.

GELO ALIPUNGAN

ISANG

JENNILYN

JENNILYN ALVAREZ

PASAY CITY

ROXAS CITY

SHIELA ALIPUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with