^

Metro

2 binata kritikal sa saksak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang kapwa kritikal matapos na saksakin ng palaboy at mga holdaper sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan  City.

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Allen Duringo, 20,  ng Lucas Castro  Compound, Santa  Quiteria, ng naturang lungsod  habang  pinaghahanap naman ng mga pulis ang palaboy na si Emmanuel Caiña.

 Ayon sa report  ng Caloocan City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa comfort room ng Flying V Gas Station sa Tullahan Road, Santa  Quiteria ng naturang lungsod.

Pumasok ang biktima dito at sinundan ng suspect at habang umiihi ang una ay inundayan ito ng saksak ng huli.

Sa kabila na duguan ang biktima ay nagawa nitong makalabas sa restroom at dali-dali itong dinala sa naturang ospital ng ilang taong naroroon. Ang suspect naman ay mabilis na tumakas. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Samantala, inoobserbahan naman sa Manila Central University (MCU) Hospital si Oliver Aguirre, 22, ng East Libis ng lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente  alas-10:40 ng umaga, habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng P. Gomez St., ng naturang lungsod nang harangin ito ng mga suspect at holdapin.

Kinuha ng mga suspect ang cellphone, subalit pumalag ang biktima  dahilan upang saksakin ito.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong upang madala ito sa naturang pa­gamutan habang tumakas naman ang mga suspect kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

vuukle comment

ALLEN DURINGO

CALOOCAN CITY POLICE

EAST LIBIS

EMMANUEL CAI

FLYING V GAS STATION

GOMEZ ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with