^

Metro

Fetus iniwan sa simbahan

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang limang buwang fetus ang iniwan sa loob mismo ng isang simbahan, partikular sa palikuran nito kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Ayon kay PO3 Eric Isidro, natagpuan ang fetus sa may  pambabaeng palikuran ng Our Lady of Mercy Parish Church na matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Highway corner Domlay St., Brgy. Sta Monica, Nova, sa lungsod, ganap na alas-7:20 ng umaga.

Bago ito, sabi ni Ma. Freda dela Cruz, naglilinis umano siya sa nasabing palikuran nang mapuna ang maliit na kahon sa loob ng isang basurahan.

Nang kanya umano itong damputin, ay nagulat si Cruz nang makita ang nasabing nilalang dahilan upang agad niya itong ipinabatid sa administrator ng simbahan.

Sabi ng pulisya, posibleng sa gabi iniwan ang fetus kung saan tumiyempo na walang taong makakasabay sa CR upang hindi siya matukoy.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente habang ang fetus ay dinala na sa pa­ngangalaga ng St. Rafael Funeral homes.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRUZ

DOMLAY ST.

ERIC ISIDRO

OUR LADY OF MERCY PARISH CHURCH

QUIRINO HIGHWAY

ST. RAFAEL FUNERAL

STA MONICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with