^

Metro

2 bus magkasunod na hinoldap sa Edsa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pampasaherong bus na pag-aari ng isang kompanya ang magkasunod na hinoldap ng apat na armadong kalala­kihan sa kahabaan ng EDSA, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, alas-10:25 Lunes ng gabi nang holdapin ng apat na armadong lalaki ang Malanday Metrolink bus na minamaneho ng isang Sansyunan Soriano, 42, sa kahabaan ng Edsa malapit sa Scout Borromeo, Brgy. South Triangle at nilimas ang mga mahahalagang gamit at pera ng may 13 pasahero nito.

Sinasabing nagkunwa­ring pasahero ang apat na suspect at pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara ng holdap gamit ang patalim at baril.

Matapos makuha ang kanilang pakay ay mabilis na nagsipagbabaan ang mga suspek  at nagsitakas.

Makalipas ang alas-2 ng madaling-araw, isa pang bus na Malanday Metrolink ang hinoldap  ng apat na armadong kalalakihan sa may kahabaan din ng Edsa, partikular sa panulukan ng Congressional Avenue, Brgy. Magsaysay.

Ayon sa Police Station 2, sumakay ang mga suspect sa kahabaan ng North Avenue at nagkunwaring pasahero, pero pagsapit sa naturang lugar ay saka nagdeklara ng holdap.

Kasunod nito, sinimulang limasin ng mga suspect ang mahahalagang gamit ng anim na pasahero, bago tuluyang bumaba pagsapit sa Oliveros Drive sa nasabing lungsod.

Sabi pa ng pulisya, magkatuwang nang iniimbestigahan ng dalawang istasyon ng pulisya ang nasabing insidente, upang malaman kung iisang grupo ang nangholdap sa na­turang mga bus.

vuukle comment

BRGY

CONGRESSIONAL AVENUE

EDSA

MALANDAY METROLINK

NORTH AVENUE

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SANSYUNAN SORIANO

SCOUT BORROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with