Masayang pagdiriwang, nauwi sa patayan
MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa dibdib ang ikinasawi ng isang 40-anyos na ama, habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kaniyang anak, na tumagos sa likod at tumama pa sa isang paslit na naglalaro malapit sa inuman sa Parola Compound, Binondo, Maynila, kahapon ng tanghali.
Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Reynaldo Salindao, helper, ng Gate 56 Area-H Parola Compound, Binondo.
Nilalapatan na rin ng lunas sa nasabi ring ospital ang natamaan ng ligaw na bala na si AloyÂsios Domnil, 3-anyos, kapitbahay ng biktima.
Hinahanting na ng mga awtoridad ang itinuturong suspect na isang alyas “Joel Warayâ€, na tumakas dala ang ginamit na baril.
Sa ulat ni SPO1 Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang nasabing insidente sa harap mismo ng bahay ng biktima.
Nag-iinuman umano sa labas ng bahay ang biktima at mga kapitÂbahay nang dumating ang suspect at nakiÂpagÂdiskusyon sa una hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at paputukan ang biktima. Nagkataon namang may batang naglalaro sa tabi nila na natamaan ng ligaw na bala.
- Latest