^

Metro

4 kinasuhan ng smuggling case sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong smuggling ng Bureau of Customs sa Department of Justice (DOJ) ang apat katao dahil sa tangkang pagpupuslit ng mga kargamento nang walang permiso mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang may-ari ng Silver Glade Enterprises na si Marcelo N. Gomez  dahil sa pagpapalusot ng isang 40-footer container van ng bawang mula sa China na nagkakahalaga ng P2-milyon. Dumating ang kargamento sa Port of Manila noong October 3, 2013.

Kinasuhan din si Alejandro M. Santos, may-ari ng Elusive Quality Trading  at si Customs Broker  Christopher B. Miguel, dahil sa tangkang palusutin ang 20-footer container van naman­ ng sibuyas na galing din sa China na umaabot din sa ha­lagang P2-milyon. Nasa Port of Manila ang kargamento noong October 2, 2012.

Si Melinda U. Tan, may-ari ng DMT Marketing ay kinasuhan din dahil naman sa tangkang pag-smuggle ng anim na 40-footer container van ng mansanas mula sa China na nagkakahalaga ng P12.5-milyon. Wala ring pahintulot mula sa BPI ang hot apple shipment ni Tan na dumating sa Port of Cagayan de Oro noong October 30, 2013.

Sa kabuuan ay umaabot sa P16.5-milyon ang halaga ng kasong smuggling laban sa mga respondent.

Ang paghahain ng kaso sa DOJ ay pinangunahan ni Customs Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group Maria Edita Tan.

 

ALEJANDRO M

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

CHRISTOPHER B

CUSTOMS BROKER

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELUSIVE QUALITY TRADING

MARCELO N

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with