^

Metro

Minaltrato ng 2 tiyahin 2-anyos todas, kuya bugbog-sarado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalawang taong gulang  na batang lalaki habang bugbog-sarado ang nakatatanda nitong kapatid matapos pagtulungang gulpihin at maltratuhin ng kanilang dalawang tiyahin  dahil nakulitan lamang ang mga suspect sa mga biktima kamakalawa sa Taguig City.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Justine Fabellon, habang bugbog sarado rin ang pitong taon nitong kuya na  si Gaylord, kapwa nakatira sa Block 26, Lot 4, Zam­boanga St., Maharlika Village ng naturang lungsod.

Nakakulong naman sa Taguig City Police ang mga suspect na sina Kristine Fabellon, 25; at Irene Sa­lazar, 48, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa pahayag ni Gaylord kina PO2 Jenaline Sad-ang at PO2 Sarrah Villarama, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig City  Police, nagsimula umano ang pagma­malupit ng kanilang mga tiyahin nang akusahan silang magkapatid na kap­wa makulit.

Una’y pinagkukurot umano sila at hinampas ng plastic na takip ng drum bago sinapak at inuntog pa umano sila sa semento.

Idinugtong pa ng bata na bukod sa pagpalo ng matigas na tsinelas sa kanilang magkapatid, sinakal at inihagis pa ni Salazar si Justine sa dingding na naging dahilan ng pagsusuka at panghihina nito kaya’t pareho silang isinugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang nakababata niyang kapatid.

Kaagad namang pini­gilan ng mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) na nakatalaga sa naturang pagamutan ang dalawang tiyahin ng mga biktima sa kabila ng depensa ng mga ito na dehydration ang ikinasawi ng kanilang pamangkin.

Dinala ng mga tauhan ng POSO sa pulisya ang mga suspect na parehong  nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse.

 

CHILD ABUSE

GAYLORD

IRENE SA

JENALINE SAD

JUSTINE FABELLON

KRISTINE FABELLON

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with