14-anyos na Pakistani, hulog mula 5th floor ng condo, malubha
MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na dalagitang Pakistani ang nasa malubhang kalagayan makaraang mahulog sa ikalimang palapag ng isang condominium building sa lungsod Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SPO1 Virginia Surban, imbestigador, si Sadf Salam, ay nanatiling walang malay sa intensive care unit ng Capitol Medical Center.
Sabi ni Surban, ang biktima ay napaulat na nahulog mula sa terrace sa ika-limang palapag ng Bright Place Condominium building na mataÂtagpuan sa kahabaan ng Scout Bayoran Road, Brgy. South Triangle, kamakalawa ng gabi.
Nabatid ng imbestigador na ang biktima ay tumitira sa 26 -anyos niyang kapatid na babae sa Unit 5 ng nasabing gusali. Nakatira din umano sa unit ang kapatid at dalawa nitong pamangking babae.
Inaalam pa ng pulisya kung bakit nahulog si Salam sa naturang gusali.
Ang terrace umano kung saan nahulog ang biktima ay matatagpuan sa dulo ng hallway nito.
Giit pa ng imbestigador, wala namang rason para sa biktima na aksidenteng mahulog sa terrace gayong may kongkretong harang ito na hanggang dibdib ang taas.
Titingnan pa rin anya nila ang footage mula sa closed circuit television (CCTV) caÂmeras na nasa ikalimang palapag ng gusali para malaman ang nangyari.
- Latest