^

Metro

Pedicab driver inutas ng pintor dahil sa selos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay ng isang pintor ang pedicab driver na umagaw­ sa kanyang da­ting kinakasamang babae nang pagsasaksakin ang biktima, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jherry Corpuz, 38, ng  Electrical Road, ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng isang malalim na tama ng saksak sa likod na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nadakip naman ang suspek na si Ronnie Planas, 41, ng  San Dionisio, Olivarez Compound, Parañaque City.

Sa ulat ng Pasay Police, nakasakay sa kanyang pedicab at naghihintay ng pasahero si Corpus sa kanto ng Electrical Road at Andrew Avenue dakong alas-9:30 ng gabi nang biglang sumulpot buhat sa likuran ang suspek at patraydor na tinarakan ito ng patalim sa likod.

Tinangka pang tumakas ng suspek ngunit agad na nasakote ito ng mga hu­mabol na barangay tanod.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Rodrigo Corpus, posibleng selos o paghihiganti ang dahilan ng krimen dahil sa ang kasalukuyang ka-live-in ng kanyang kapatid ay dating asawa ng suspek.

 

vuukle comment

ANDREW AVENUE

ELECTRICAL ROAD

JHERRY CORPUZ

OLIVAREZ COMPOUND

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY POLICE

RODRIGO CORPUS

RONNIE PLANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with