^

Metro

Holdaper, mandurukot nawalis sa Quiapo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti nang  nawawala ang mga kilabot na holdaper, mandurukot ma­ging  ang mga sindikato  na nagbebenta ng Cytotec sa palibot ng  Quiapo church sa Maynila.

Ito’y bunsod na rin ng  pinaigting na tandem ng  kapulisan at ng  barangay alinsunod sa kautusan   nina National Capital Regional Police  Office director Chief Supt. Marcelo Garbo at Manila Mayor Joseph Estrada na  tiyakin ang  seguridad ng publiko lalo na ngayong papalapit ang   Kapaskuhan.

Bagama’t may mga nabibiktima ng petty crimes, sinabi ni  Insp. Rommel Anicete, hepe ng Plaza Miranda PCP  na agad namang nareresolba ang  kaso.

Patunay  dito ang mga  report  na  naitala sa nasa­bing  PCP.

Tiniyak naman ni  Bgy. Chairman Mariano ‘Boy Bata’ Gopaco, Jr. na mas paiigtingin pa rin nila ang  monitoring at paglilibot  sa Quiapo at Avenida lalo na ngayong Pasko dahil  dadagsa ang mga mamimili kung saan sasamantalahin naman ng mga criminal.

Aniya, mabisa laban sa mga krimen ang  tambalang  pulis at barangay upang  masiguro ang kaligtasan ng publiko.

BOY BATA

CHAIRMAN MARIANO

CHIEF SUPT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MARCELO GARBO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE

PLAZA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with