^

Metro

Tanod tinodas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng barangay tanod nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa likod ang biktimang si Lilibeth Mandares, 50, ng Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa pa ng fol­low-up at inaalam pa ng Ma­­labon City Police ang pagka­kakilanlan ng suspect.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya naganap ang insidente alas-12:00 ng madaling-araw, malapit sa tinitirhan ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, na tanod  sa naturang barangay  ang biktima at habang ito ay naglalakad ay biglang sumulpot sa likuran nito ang suspek na armado ng hindi pa nabatid na ka­libre ng baril at walang sabi-sabing pinutukan ito na naging sanhi nang agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek, iniimbestigahan pa ng Malabon City Police kung ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa pagiging tanod nito.

vuukle comment

BRGY

CITY POLICE

GOZON COMPOUND

LETRE

LILIBETH MANDARES

LUMALABAS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with