1-anyos, patay sa meningococcemia
MANILA, Philippines - Nasawi dahil sa sakit na meningococcemia ang isang taong gulang na batang babae sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Dr. Emmanuel Beuno, direktor ng ARMMC, ang biktima na hindi pinaÂngalanan ay residente ng Brgy. Mambugan, Antipolo City ay nasawi dakong alas-11:45 ng gabi, o limang oras matapos itong isugod ng mga magulang sa pagaÂmutan nang makitaan ng mga nangangasul na rashes sa katawan.
Una na umanong isinugod ng kanyang mga magulang ang paslit sa Rizal MeÂdical Center (RMC) dahil sa mataas na lagnat, rashes at kumbulsyon, ngunit malaÂunan ay inilipat sa ARMMC.
Lumitaw naman sa lahat ng laboratory tests na isinagawa sa biktima na dinapuan ito ng meningoÂcoccemia.
Bilang precautionary measure, kaagad namang isinara ang emergency room ng pagamutan para magsagawa ng fumigation at maiwasan ang pagkalat ng sakit. Pansamantalang ginamit ng pagamutan ang lobby nito bilang emergency room.
Ang lahat naman ng taong nagkaroon ng close contact sa mga pasÂyente, tulad ng mga doktor, medical staff at mga non-meÂdical staff ay naka-quaranÂtine na at binigyan ng prophylaxis.
Ikinukonsidera naman umano ng pamilya ng biktima na i-cremate ang mga labi ng paslit.
Kaugnay nito, pinaÂyuhan naman ni Marikina Mayor Del De Guzman ang mga residente ng lungsod na huwag mag-panic sa posibÂleng outbreak ng sakit sa kanilang lugar dahil ang meningococcemia ay hindi madaling kumalat.
Matatandaang noong Enero, isang 4-taong gulang na batang lalaki ang nasawi rin sa naturang sakit sa ARMMC.
- Latest