^

Metro

Dalagita natusta sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na dalagita ang nasawi matapos na madaganan ng gumuhong bahagi ng kanilang bahay habang nilalamon ng apoy sanhi ng umano’y napaba­ya­ang kandila sa Brgy. West Fairview, lungsod Quezon.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, halos hindi na makilala ang biktimang  si  April Rose dela Rosa bunga ng labis na pinsalang natamo ng kanyang katawan dahil sa pagkakasunog.

Nangyari ang sunog dakong alas-2:00 ng madaling- araw sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima sa may No. 24 Lilac St., Republic Ave.

Sa pahayag ni  Tony Minguillo, kaanak ng biktima, nagising na lang umano siya nang sumisigaw ng sunog ang biktima dahil nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Dahil dito, agad na inilikas ni Minguillo ang mga kaanak mula sa lugar, pero nakita umano niya ang biktima na bumalik at may bitbit ng isang timbang tubig para apulain ang apoy.

Pero nang tangkain muli ng biktima na lumabas ay gumuho ang bahagi ng bahay at tamaan ito sanhi para mabuwal ito sa lapag at madaganan hanggang sa makulong na sa sunog.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang sunog kung saan sa maagap na pagresponde ng mga pamatay sunog ay agad itong naapula ganap na alas-2:37 ng madaling-araw.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog, pero may nagsasabing residente na ang nakasinding kandila ang ugat nito dahil ito umano ang ginagamit na ilaw ng pamilya dahil wala umanong suplay ng kuryente dito.

Tinatayang aabot naman sa P100,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing sunog

 

APRIL ROSE

AYON

BRGY

LILAC ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

REPUBLIC AVE

SUNOG

TONY MINGUILLO

WEST FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with