^

Metro

Hiniya ni misis, mister pumatay ng tatlo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa mismong Todos Los Santos, natodas ang tatlo katao nang pagbabarilin  ng isang mister na hiniya at sinampal ng misis sa harap ng mga kainuman  sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Peter  Masamlok , 42; Russel Galo, 26, at isang hindi pa kilalang lalaki na inilarawan sa edad na 20-25, nasa 5’5 ang taas, slim, nakasuot ng brown na pantalon at sky blue na  t-shirt.

Bigo namang madakip sa isinagawang follow-up operation ang suspect na kinilalang si Jamil Datumalo, tubong Lanao del Sur at  residente sa 12th St., Port Area, Maynila, dahil wala na ito at buong pamilya sa kaniyang bahay.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw ng maganap ang pamamaril sa 12th St., Port Area, Maynila, sakop ng Brgy. 650, Zone 68.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang grupo ng mga biktima sa nasabing lugar at sa hiwalay na inuman  naman naka-grupo ang suspect, nang biglang lumutang ang misis nito at sinampal ito sa harap ng mga kainuman,

Nang mapansin na nakatingin at pinapanood siya ng mga biktima ay saglit na umuwi ito ng bahay ang suspect at sa pagbabalik ay pinaulanan ng bala ang grupo ng mga nasawi.

Nang magsitumba na ang tatlo, sinubukan ding barilin ng suspect ang isang Mel Dati, 41, residente ng nasabing lugar, subalit tatlong beses na pumalya o hindi pumutok ang baril ng suspect kaya mabilis na lamang itong tumakas.

Dead-on-arrival ang mga biktimang sina Masamlok at ang hindi­ pa kilalang lalaki habang alas-11:05 na ng umaga nang bawian ng buhay si Galo.

vuukle comment

JAMIL DATUMALO

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MASAMLOK

MAYNILA

MEL DATI

NANG

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with