^

Metro

Iskul sa Maynila na pagdarausan sana ng halalan, nasunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasunog ang isang eskwelahan sa lungsod ng Maynila kung saan bumoto si Manila Mayor Joseph Estrada sa idinaos na barangay elections­ kahapon.

Gayunman, sa ulat ng Arson Investigation ng Manila Fire Bureau, hindi naman na­apektuhan ang eleksiyon doon dahil inilipat sa ibang silid ang polling precincts, na dapat sana ay gaganapin sa mga nasunog na silid na Rooms, 201, 202, 203 at 204, na pawang nasa ikalawang palapag ng nasabing paaralan.

Umabot sa ika-3 alarma ang sunog na nagsimula dakong alas- 9:53 at  idineklarang fire-out bandang alas- 10:31, gayunman apat na silid ng nasabing eskwelahan na matatagpuan sa panulukan ng Atura  at Buenos Aires Sts., sa Sta. Mesa, Maynila. Tinatayang aabot sa  P500-libo ang naabong kagamitan.

Hindi pa umano tapos ang imbestigasyon kung paano nagkaroon ng sunog, bagamat hinihinalang may naiwang nakabukas na bentilador na uminit na nagsimula ng sunog.

ARSON INVESTIGATION

ATURA

BUENOS AIRES STS

GAYUNMAN

MANILA FIRE BUREAU

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NASUNOG

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with