Mag-live-in tinodas sa QC
MANILA, Philippines - Patay ang mag-live-in partner nang pagbabarilin ng apat na armadong suspect sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rodora Go-Alaba, 36, trader at ang kinakasama nitong nakilala lamang sa alyas Jigs, kapwa naninirahan sa Meton St., Itaas, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Ang dalawang biktima ay kapwa napatay sa loob ng kanilang Mitsubishi Lancer dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanilang katawan.
Base sa report ni SPO1 Alejandro Camacho, ng Batasan Police Station 6, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ng mga biktima nang sumulpot ang apat na suspect na pawang naka-suot ng helmet at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Nang makitang duguang bumulagta ang dalawa ay mabilis na tumakas ang mga salarin sakay sa dalawang motorsiklo na hindi na plakahan.
Lumalabas sa inisÂyal na imbestigasyon na poÂsibleng love triangle ang motibo sa krimen.
Nabatid sa pulisya na si Jigs ay may-asawa na minsan nang nag-eskandalo sa tapat ng bahay ng dalawa.
Sinasabing si Jigs ay dating kasintahan ni Alaba bago pa man ito ikasal. Si Alaba na isa ng biyuda ay nakabalikan ang dati niyang kasintahan na si Jigs.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen.
- Latest