18-anyos binoga ng ka-facebook nakipag-eyeball, dedbol
MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na dalaga ang nasawi matapos itong barilin sa noo ng isang lalaki na nakilala lamang nito sa Facebook sa Valenzuela City, kamakalawa.
Namatay habang ginaÂgamot sa Valenzuela GeÂneral Hospital ang biktimang si Cheryl Dacillo, ng Brgy. Langka, Meycauayan, Bulacan.
Patuloy naman ang isinaÂsagawang follow-up operation ng mga pulis upang maÂaresto ang suspek na si Cedrick Martin, 19-anyos, ng Pangkera St., Brgy. Coloong 1 ng nasabing lungsod.
Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, nakilala ng biktima ang suspek sa Facebook kung saan nagpasya ito na makipag-eyeball sa lalaki kaya nagpunta ang dalaga sa bahay ng suspek sa Pangkera St., Brgy. Caloong 1.
Alas-4:00 ng hapon sa loob ng kuwarto ng suspek habang nag-uusap sila ng biktima ay naglabas ang lalaki ng baril at pinutukan sa noo ang dalaga.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima naman ay isinugod sa naturang ospital ng ilang taong nagmamalasakit.
Kamakalawa ng gabi nang bawian nang buhay ang biktima. Ayon kay Armamento hangÂgang sa ngayon ay naÂngangalap pa sila ng impormasyon hinggil sa naganap na pagpatay sa dalaga at nagsasagawa na nga sila ng manhunt operation laban sa suspek.
Mariin namang pinaalalalahanan ng pulisya lalo na ang mga kabataan na mag-ingat sa mga nakikilala sa internet site tulad ng Facebook at huwag kaagad magtitiwala sa mga taong nakakausap dito.
Sa mga kaanak naman ng biktima, katarungan ang kanilang hiling at nanawagan ang mga ito sa suspek na sumuko ito para panagutan ang ginawa nitong pagpatay kay Cheryl.
- Latest