^

Metro

Pugante sa Bilibid, tiklo sa holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-kalaboso ang isang 28-anyos na pugante sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang madakip habang papatakas matapos mangholdap sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspect na si Darwin Mendoza, na kilala rin sa pangalang Danilo de Vera,  binata, walang trabaho, at residente ng  Old Antipolo St., Tondo, Maynila, ay ipinag­harap ng mga kasong robbery hold-up at illegal possession of deadly weapon.

Sa reklamo sa Manila Police District-Station 7 ng bik­timang si Jane Niegos, 31, security officer, ng Valenzuela City, sakay siya ng dyip patungong Caloocan nang magpanggap na pasahero ang suspect na  sumakay sa J. Abad Santos Avenue. Tinutukan siya ng patalim at tinangay ang kanyang Blackberry cell phone at tumakas sa direksiyon ng Antipolo St.

Sinundan ng biktima ang suspect at doon nagsisigaw na nakatawag ng atensiyon sa mga tanod ng Brgy. 227- Zone 21 at ng dalawang pulis ng Tayuman Police Community Precinct, kaya nadakip ang suspect at nabawi ang nasabing cell phone.

Narekober sa suspect ang may 9-na habang pulgada ng kutsilyo.

Sa beripikasyon, natukoy na ang suspect na may prison number N212P-0169 sa kasong for robbery ay nakapuga noong Hunyo 26, 2012 sa New Bilibid Prison.

Bukod pa ito sa dalawang standing sa kasong frustrated murder at attempted murder na inisyu ni Judge Danilo C. Villa­nueva ng Branch 49, RTC, Manila.

vuukle comment

ABAD SANTOS AVENUE

ANTIPOLO ST.

DARWIN MENDOZA

JANE NIEGOS

JUDGE DANILO C

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NEW BILIBID PRISON

OLD ANTIPOLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with