^

Metro

1 pang salvage victim,natagpuan sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang lugar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. 

Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima na walang pagka­kakilanlan ay nakasuot ng itim na t-shirt, kulay asul na maong pants, nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’10’’, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo ng imahe ng ‘Dragon’ sa kanang hita at ‘Dyango’ sa likod.

Ang biktima ay nadiskubre sa may Majahiden St., corner Lanao St., Al Salam Mosque, Brgy. Culiat, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat, ang biktima ay nakitaan ng mga bakas ng pagkakasakal sa leeg at mga bakas ng tali sa magka­bilang braso.

Inaalam pa ng awtoridad kung ang biktima ay kabilang sa mga bangkay na itinatapon sa lungsod na biktima ng summary execution dahil sa magkakahalintulad na uri ng pagpatay na nakita mula rito.

vuukle comment

AL SALAM MOSQUE

AYON

BRGY

CULIAT

DYANGO

INAALAM

ISANG

LANAO ST.

MAJAHIDEN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with