^

Metro

Brgy. kagawad inireklamo ang kuya na katunggali sa eleksyon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minsan pang napatunayan na sa pulitika walang  kama-kamag-anak  makaraang isang kagawad na tatakbo bilang kapitana ng barangay  ang nagharap ng reklamo laban sa kanyang kapatid na barangay chairman na makakatunggali sa darating na halalang pambarangay sa Caloocan City kamakalawa.

Nadakip naman ang sinasabing tao ni Chairman Manuel Cruz, ng Brgy. 79 ng naturang lungsod na si Jerry Reyes, 41,  ng Lapu-Lapu St.

Sa reklamo ni Kagawad Maria, 42,  nakababatang kapatid ni Manuel,   alas-3:30 kamakalawa ng hapon ay galit na ni­lusob sila ng kanyang kuya na kasama ang tauhan nitong  si Reyes at pinagbabato ang kanilang bahay. Ito’y matapos na malaman ni  Manuel na tatakbo rin siyang barangay chairman.       

Agad na humingi ng tulong si Maria sa mga pulis at nang respondehan ay nadakip si Reyes kung saan nakuha rito ang isang kalibre .45 na walang papeles na naging dahilan  para sampahan ito ng kasong illegal possession of firearm at paglabag sa omnibus election code.

Nabatid na nagsimula ang away ng magkapatid matapos tutukan ng baril ni Manuel ang iba pang mga kapatid dahil gusto ng naturang barangay chairman  na masolo ang bahay ng kanilang magulang sa nasabing lugar.

Karamihan sa magkakapatid ay nagalit sa inasal ni Manuel na naging dahilan upang umalis ng bahay ang huli at mani­rahan sa Barangay Hall ng nasabing barangay sa Nangka St., ng naturang  lungsod.

Dahil sa panunutok at nahulihan ng baril ay nasuspinde si Manuel noong 2010 at pansamantalang namuno si Maria dahil ito ang number 1 kagawad.

Lalo umanong nagalit si Manuel nang malaman nga nito na kakalabanin siya ng nakababatang kapatid na babae sa nalalapit na halalan hanggang sa mangyari ang pambabato sa bahay ng huli.

vuukle comment

BARANGAY HALL

CALOOCAN CITY

CHAIRMAN MANUEL CRUZ

JERRY REYES

KAGAWAD MARIA

LAPU-LAPU ST.

MANUEL

NANGKA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with