^

Metro

Truck driver binurdahan ng bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay sa pitong tama ng bala ng baril ang isang de­livery truck driver makaraang ratratin ng hindi nakikilalang salarin sa Moriones, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala  ang biktima na si Ricky Boa, 29, ng Palsara, Balete, Batangas, na nag­deliver lamang ng mga panindang kalamansi sa lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-9:41 ng gabi kamakalawa sa may panulukan ng Carmen Planas at P. Herrera Sts. Tondo, Maynila.

Tikom umano ang mga bibig ng mga dinatnang residente ng mga awtoridad sa crime scene kaya’t umaasa na lamang sa kopyang nakunan ng closed circuit tele­vision (CCTV) sa lugar ang inisyal na pagbabatayan sa insidente upang makilala ang suspect.

Sa nakitang  pangyayari  sa video, naglalakad ang biktima matapos magdis­karga ng mga kalamansi nang sabayan ng hindi nakilalang lalaki sa bahagi ng P. Herrera patungo ng Carmen Planas kung saan bigla itong pinaulanan ng bala ng baril.

Wala naman umanong nawawala sa mga gamit ng biktima kaya inaalis ang anggulo ng  holdap.

vuukle comment

BATANGAS

CARMEN PLANAS

HERRERA

HERRERA STS

KINILALA

MAYNILA

NAGANAP

RICKY BOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with