^

Metro

14-anyos na totoy, inutas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14-anyos na totoy matapos itong saksakin ng isang binatilyo habang ang una ay bumibili ng sigarilyo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Caloocan Medical Center ang biktimang si John Reyes,  nakatira sa  Julian Felipe St., Sangandaan ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa pangalang alyas “Demonyo”, 17, taga-Sapa Bisig, Malabon City.

Ayon sa report na natanggap ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-3:10 ng hapon sa Vilgumar St., ng naturang lungsod.

Nabatid na galing ang biktima  sa bahay ng kanyang kaibigan at pinabili ito ng sigarilyo sa isang tindahan.

Habang bumibili ang biktima ay biglang sumulpot sa likuran nito ang suspek na armado ng patalim.

Hindi na nakapalag ang biktima dahil bigla na lamang itong inundayan ng saksak.

Matapos ang insidente ay dali-daling tumakas ang suspek at ang biktima naman ay mabilis  na dinala sa naturang pagamutan, subalit idineklara itong dead-on-arrival ng mga manggagamot. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam pa ang motibo nang pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN MEDICAL CENTER

JOHN REYES

JULIAN FELIPE ST.

MALABON CITY

PATAY

SAPA BISIG

VILGUMAR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with