^

Metro

Driver itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang jeepney driver ang nasawi makaraang pagbabarilin sa ulo ng riding-in- tandem suspect habang ang una ay sakay ng kanyang pinapasadang sasakyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Alexander Galvez, 42, ng Phase 3, Package 1, Block 1, Lot Excess, Bagong Silang, Caloocan City.

Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang res­ponsable sa pamamaril sa biktima, subalit tanging ang driver nito lamang ang siyang namaril sa huli.

Nangyari ang insidente sa  harap ng Fairview Central Market, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Fairview, ganap na alas-10:45 ng gabi.

Sabi ng isang Sheryl Unio, nakatayo siya sa harap ng naturang palengke nang makita niya ang isang motorsiklo na humaharurot sakay ang mga suspect, saka huminto sa tabi ng  jeepney ng biktima (NYA-348) na may biyaheng Delta-Panay Ave­nue kung saan bigla itong pinagbabaril ng suspect.

Matapos ang pamamaril ay agad na bumaba ng motor­siklo ang angkas nito saka sumakay sa pampasaherong bus patungong Quezon City Circle habang ang kasama nitong nagmamaneho ng motorsiklo ay humarurot naman patungong SM Fairview.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

 

vuukle comment

ALEXANDER GALVEZ

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

COMMONWEALTH AVENUE

DELTA-PANAY AVE

FAIRVIEW CENTRAL MARKET

GREATER FAIRVIEW

LOT EXCESS

QUEZON CITY CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with