^

Metro

Anak ipinagtanggol, tatay dinedbol

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 47-anyos na ama nang pagba­lingan ng galit at pagsasaksakin ng nakaalitan ng kanyang anak sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang kinilalang si Danilo Panlilio, residente ng Perla St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Hawak na ng MPD-Homicide Section ang mga suspect na kinilalang sina Eleazar­  Vallejos, 35, pedicab driver at Melchor Buenaflor, 38, pintor, kapwa ng Tondo, Maynila.

Isa pang hindi kinilalang suspect ang mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Madrid St., malapit sa panulukan ng Perla St., sa Tondo, na sakop ng Brgy. 121, Zone 9.

Sa imbestigasyon, ang biktima at anak na si Jeffrey ay nakikipag-inuman sa isang binyagan nang lumusob umano ang suspect na si Vallejos  upang komprontahin ang batang Panlilio hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa isang video karera sa lugar.

Inawat ng biktima at pinaalis nito ang anak upang makaiwas sa away na ikinagalit ng suspect na si Vallejos kaya nagbanta ito na babalik at papatayin ang biktima.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Vallejos, kasama si Buenaflor at isa pang lalaki, at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa humandusay.

Naitakbo sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot pang buhay, habang nadakip naman sa follow-up operation ang dalawang suspect.

DANILO PANLILIO

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

MADRID ST.

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

MELCHOR BUENAFLOR

PERLA ST.

VALLEJOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with