^

Metro

3 huli sa Cytotec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang dinakip matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng  ipinagbabawal na gamot na Cytotec sa Quiapo, Maynila.

Batay sa report na  isinumite ni Insp. Rommel Anicete, hepe ng  MPD–Plaza Miranda PCP kay Station 3 commander, Supt. Ricardo Layug, kinilala  ang mga naaresto na sina  Alicia Empino, 43 at Rommel San Jose, 20 kapwa ng  No. 968 Hidalgo St. Quiapo, Maynila at Precious Alcantara, 23 ng  no. 400 Capulong St. Tondo, Maynila.

Ayon kay Anicete, nagro-roving ang kanyang mga pulis na sina  SPO1 Francisco Salazar, PO3 Regin Obina at PO2 Joseph Almayda sa palibot ng Quiapo church sa Quezon Blvd., dakong alas 4:20 ng hapon nang mahuli sa akto  sina  Empino at San Jose na nagbebenta ng Cytotec na gamot pampalaglag sa  dalawang hindi nakilalang customer. Nakuha sa mga ito ang apat na  piraso ng  nasabing abortive drug.

Sa  panulukan naman ng Carriedo at Evangelista St. sa Quiapo naaresto si Precious Alcantara, 23 ng no. 400 Capulong St. Tondo, Maynila.

Nagsasagawa ng police visibility patrol at anti-criminality sina Obina at PO1 Reynaldo Fortaliza nang makatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na bentahan ng  Cytotec sa  nasabing lugar.

Agad na nagmanman ang mga pulis at huli sa akto si Alcantara na nag-aalok ng nasabing gamot.

Ang tatlo ay sasampahan ng kasong paglabag sa  RA 9711 (Selling of Unregistered Medicine).

ALICIA EMPINO

CAPULONG ST. TONDO

CYTOTEC

EVANGELISTA ST.

FRANCISCO SALAZAR

HIDALGO ST. QUIAPO

JOSEPH ALMAYDA

MAYNILA

PLAZA MIRANDA

PRECIOUS ALCANTARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with