^

Metro

Bantay-salakay: Dalagang Chinese nilooban ng sekyu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang dalagang Chinese na­tional matapos umano itong gulpihin at looban ng isang guwardya na nakatalaga sa mismong condominium na tinitirhan nito sa Pasay City, kamakalawa.

Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Dan Huang, 29, nanunuluyan sa Unit 5-B Pine Crest 2 Condominium, New Port City, Andrew Ave­nue  ng naturang lungsod.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Rodriguez, 21. Ayon sa report na natanggap ni  Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Station­ Investigation and Detective Management ng Pasay City Police, naganap ang insi­dente alas-3:00 ng hapon sa tinutuluyang condo­minium ng biktima kung saan nakatalagang  guwardya ang suspek.

Nabatid na pinuntahan ng sekyu ang unit ng biktima at nagkunwaring magsasagawa siya ng inspection sa unit nito.

Pinagbuksan naman ito ng biktima at nang ma­tiyak ng suspek na nag-iisa ang biktima ay bigla niya itong pinagsusuntok dahilan upang matumba ang dayuhan at nawalan ng malay.

Ilang minuto at bahagyang bumalik ang malay ng biktima ay kaagad nitong tinawagan ang isang kaibigan na nagngangalang Jelene Tan, 31, nakatira rin sa nasabing con­dominium at dinala ito sa naturang ospital.

Ang suspek naman ay mabilis na tumakas tangay ang wallet ng biktima na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera  at  ang dalawang cell phone nito.

 

vuukle comment

ANDREW AVE

B PINE CREST

CHIEF INSPECTOR JOEY GOFORTH

DAN HUANG

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

JELENE TAN

NEW PORT CITY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with