^

Metro

Sunog sa Makati: 2 natusta

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang natusta habang tinatayang aabot sa P.2 milyon halaga ng mga ari-arian na naabo matapos masunog ang 7-door apartment kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Halos hindi makilala ang mga nasawing biktima na  sina Danilo Deloviar, 60 at Grace Quintanar, 35 dahil sa matinding pagkasunog  matapos na ma-trap ang mga ito sa loob ng kanilang tinitirhan.

Ayon kay Makati City Fire chief Ric Perdigon, naganap ang insidente ala-1:30 ng ma­daling-araw sa apartment sa Brgy. West Rembo ng naturang lungsod.

Sa inisyal  na imbestigasyon, lumalabas na nagsimula ang sunog sa second floor ng apartment na tini­tirhan ni Deloviar.

Mabilis umanong  kumalat ang apoy sa katabi nitong unit na isa nga rito ay ang pag-aari ni Quintanar.

Ayon pa sa report, alas-4:30 ng madaling araw ay kapwa natagpuan  ang mga biktima sa ground floor ng kanilang unit  at  ang biktimang si Quintanar ay natagpuan kasama pa ang kanyang alagang aso na nasunog rin.

Napag-alaman na umabot sa Task Force Alpha ang sunog at ito’y idineklarang  fire-out matapos ang isang oras.

Sinabi pa ni Per­di­gon, na posib­leng illegal­ electrical connection ang  dahilan ng sunog subalit pa­tuloy  pa nila itong iniim­bestigahan.

vuukle comment

AYON

DANILO DELOVIAR

GRACE QUINTANAR

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE

QUINTANAR

RIC PERDIGON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with