^

Metro

Away ng 2 gang granada sumabog: 8 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walo katao ang nasugatan sa pagsabog ng isang granada na inihagis ng isang hinihinalang miyembro ng isang gang bilang ganti sa kalabang grupo, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kritikal sa loob ng Taguig-Pateros District Hospital ang 10-taong gulang na si Ricardo Ampil, at Jonathan Meday, 21.  Nakilala rin ang iba pang sugatan na sina Robert Malonzo, 42; William Flores; Ruben Orate, 38; Buenaventura Borja, 47-anyos; Jay Rizano, 20; at Jam Bowie Domingo, 19.

Isang suspek na nakilala sa pangalang Lester ang hina­hanap na ng pulisya makaraang mamataan sa lugar bago maganap ang pagsabog.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa may 29-G 10th Avenue, Brgy. North Signal Village, sa naturang lungsod.  Umabot ng hanggang 10 metro ang lawak ng pagsabog sa lugar na maraming tao ng naturang oras.

Nabatid sa imbestigasyon na unang nagkaroon ng rambol sa pagitan ng dalawang grupo ng kabataan sa naturang lugar kamakalawa ng umaga.  Hinihinalang rumesbak umano ang ilan sa mga kabataan na tunay na target si Flores at saka naghagis ng granada sa lugar.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at manhunt operations upang maaresto ang mga suspect na may kagagawan ng pagsabog.

 

vuukle comment

BUENAVENTURA BORJA

JAM BOWIE DOMINGO

JAY RIZANO

JONATHAN MEDAY

NORTH SIGNAL VILLAGE

RICARDO AMPIL

ROBERT MALONZO

RUBEN ORATE

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with