^

Metro

Ginang kinatay ng ka-live-in

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang ginang ng kanyang live-in partner matapos magtalo ukol sa pakikipagkita umano ng babae sa dati nitong asawa, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang biktima  na si Cherry Ann Montero, 28, habang nagtamo naman ng sugat sa kamay ang 8-anyos nitong anak na si Justin Mark Montero, ng FB Harrison Street, ng naturang lungsod.

Isinugod din sa naturang pagamutan at kasalukuyan pang inoobserbahan ang suspek  na si Ronaldo Pagao, 28, nang magtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagpalo sa kanyang ulo gamit ang isang martilyo.

Sa ulat ng pulisya, nag-umpisang mag-away sina Montero at Pagao dakong alas-9:35 ng gabi sa loob ng kanilang inuupahang bahay. Kinompronta umano ng lalaki si Montero makaraang mabalitaan na muling nakipagkita ito sa dati nitong asawa.  Bukod dito, nagdududa rin ang suspek na ang dating­ asawa ni Montero ang tunay na ama ng dalawang taon nilang anak na lalaki.

Dito na pumalag si Montero sa mga masasakit na akusasyon ng lalaki hanggang sa tuluyang magsigawan ang dalawa.  Sa gitna ng away, nakakuha ng patalim ang suspek at sunud-sunod na pinagsasaksak si Montero sa likod habang nagtangkang umawat si Justin Mark kaya ito nasaksak din sa kaliwang kamay.

Sa kabila ng tinamong mga sugat, nagawang makalabas pa ng bahay ni Montero at ng anak at makahingi ng saklolo sa mga kaanak na nagsugod sa kanya sa pagamutan.  Idineklarang patay ang biktima dakong ala-1:07 ng madaling-araw dahil sa limang tama ng saksak sa likod.

Nakatakdang sampahan naman ng kasong homicide at frustrated homicide ang suspek na si Pagao na didiretso sa kulungan sa oras na makalabas ng pagamutan.

BUKOD

CHERRY ANN MONTERO

HARRISON STREET

JUSTIN MARK

JUSTIN MARK MONTERO

MONTERO

PAGAO

PASAY CITY

RONALDO PAGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with