Hinaydyak na P4.6-M wires, mini lights narekober
MANILA, Philippines - Narekober ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Anti-Carnapping and Hijacking Section at Ge neral Assignment Section ng Manila Police District ang hinaydyak na P4.6 milyon halaga ng electrical wires at mini lights nang mamataan na nakaparadang cargo truck sa bahagi ng San Andres Bukid, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni P/Sr. Insp. Risalino Ibay, hepe ng ANCAR, dumulog ang negosÂyanteng si Chester Lim, ng Pier 12, North Harbor dahil nawawala umano ang 40-footer van na minamaneho ng kanyang driver na si Jonathan QuinaÂbato, ng North Hills, Norzagaray, Bulacan noong Setyembre 25 habang nakaparada malapit sa Road 10, Moriones St. TondoÂ, Maynila.
Nang may magbigay ng impormasyon na nakita ang nasabing truck sa Jade St. San Andres Bukid na may plakang TFC-147, isinagawa ang operasyon kabilang ang mga tauhan ni C/Insp. Dennis Wagas, hepe ng GAS dakong alas-4:00 ng hapon, kamakalawa.
Nabawi ang nasabing van na may lamang Focus Mini Lights at assorted na Paciflex electrical wires na pag-aari ng Cebu Sheridan Marketing Inc. na may business address sa Quirino Ave. NRA Subangdaku, Mandaue City, dakong alas 4 ng hapon.
Bukod sa nasabing cargo truck, nakarekober pa ang pulisya ng dalawang truck na pag-aari naman ng BROCOM trading na may plakang RFS-228 at RAJ-725 na minamaneho naman ng isang Oscar Ta butol.
Isinasailalim sa interogasyon ang dalawang driver at mga pahinanteng sina Jeffrey Boral, Jaime San Jose MayÂnard Gumarang at isang Jobert Monderondo na pawang mga residente ng no. 167 Quezon St., Grace Park, Caloocan City.
- Latest