^

Metro

Bar exams simula ngayon, traffic advisory inilabas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsisimula ng bar exams ngayon sa University  of Santo Tomas, ini­labas ng Korte Suprema at Manila Police District ang ilang advisory para na rin sa kapakanan ng mga  examinees at commuters.

Batay sa traffic advisory ang kahabaan ng España, P. Noval at Lacson St. ay kaila­ngan na mapanatiling bukas para sa mga sa­­sakyan maliban na malamang mula  alas-10:30 hanggang ala-1 ng hapon.

Ang  Gate 3 sa España ay ilalaan lamang  para sa mga bar exa­minees at personnel.

Ka­ilangan namang magpakita ang mga examinees­ ng kanilang ID sa police at SC guards na magbabantay.

May nakalaan namang unloading  area para sa mga bus na mag­baba ng kanilang  bar examinees, ito ay sa Gate 2, 3 at 4 ng UST sa loob lamang ng  limang  minuto.

Tiniyak naman ni MPD Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel, na sapat ang kanilang  pulis na itatalaga sa paligid ng UST para na rin sa seguridad ng  mga examinees at mga supporters nito.

Ayon kay Coronel, nakaantabay ang  mga pulis sa tulong mga barangay officials upang matiyak na hindi mauulit ang gulo sa nagdaan bar exam.

Matatandaan na kamakalawa  ay nag-isyu ng  Executive Order  si Manila Mayor Joseph Estrada laban sa liquor ban  sa paligid ng  UST  sa apat na linggo ng bar exam.

Batay sa EO No. 31 ni Estrada, mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta at pamamahagi ng anumang klase ng inuming nakala­lasing sa apat na Linggo ng Oktubre na may petsang 6, 13, 20 at 27 kung saan naka-schedule ang araw ng bar exams.

“No store, restaurant, eatery, café or any eating places or ambulant vendors shall be allowed to sell, peddle­ or offer for drink to any person intoxi­cating beverages such as beer, liquors, wines and the like,” batay sa kautusan ni Estrada.

Ang liquor ban ay ipatutupad epektibo si­mula alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-8 ng gabi partikular na ang mga naka­paloob sa 200 metro mula sa “perimeter walls” ng UST na magsisimula sa kahabaan ng España Blvd., Lacson Ave., Dapitan St., at P. Noval St.

Inaasahang mahi­git 5,000 law students ang kukuha ng naturang pagsusulit kung saan napag-alaman na ang magiging Bar Com­mittee Chairman ngayong taon ay si Supreme Court Associate Justice Arturo Brion.

 

BAR

BAR COM

BATAY

DAPITAN ST.

ESPA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with