^

Metro

Makati handa na sa ‘Million People March’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang pamahala­ang lungsod ng Makati at ang lokal na pulisya sa isa­sa­gawang ‘Million People March’kontra sa “pork barrel” ngayong Biyernes.

Kahapon, inihayag ng Makati City Public Safety Department (MPSD) na isasara nila sa trapiko ang kahabaan ng Paseo de Roxas mula sa kanto ng Ayala Avenue hanggang Sedeño Street dakong alas-10 ng umaga upang bigyang daan ang pagse-set-up ng entablado sa lugar.

Dakong alas-2 naman ng hapon isasara sa daloy ng trapiko ang Ayala Avenue mula Makati Avenue hanggang Herrera St. para sa inaasahang pagdagsa na ng mga tao na lalahok sa kilos protesta na uumpisahan dakong alas-3 ng hapon.

Sa kanilang “traffic re-routing scheme”, lahat ng pampasaherong bus mula sa EDSA ay dapat lumiko sa Sen. Gil Puyat Avenue tungo sa destinasyon o kumanan sa Ayala Avenue, kanan muli sa Makati Ave., at kumaliwa sa Sen. Gil Puyat Ave., tungo sa destinasyon.  Lahat naman ng bus na galing sa South Luzon Expressway (SLEX), Sen. Gil Puyat Ave., at Pasay City ay maaaring dumaan sa Sen. Gil Puyat Ave., kakaliwa sa EDSA patungo sa destinasyon.

Ang mga pampasaherong jeep at light vehicles mula J.P. Rizal ay maaaring kumanan sa Makati Ave., kanan muli sa Paseo de Roxas, kanan sa Villar St., kaliwa sa EP Leviste St., kaliwa sa VA Rufirno St., at kakanan sa Ayala Avenue tungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan na galing sa Washington St., ay papakananin sa Sen. Gil Puyat Ave., kanan sa Ayala Ave., kanan sa Salcedo St., kaliwa sa Benavidez St, diretso sa Esperanza St., kanan sa Makati Ave, kanan sa Arnaiz Ave, kanan muli sa Paseo de Roxas, kaliwa sa Dela Rosa St., kanan sa Salcedo St., at kakaliwa sa Ayala Avenue tungo sa destinasyon.

Ang mga behikulo naman na galing sa McKinley Road tungo sa Central Business District/Legaspi Village ay padadaanin sa Arnaiz Ave., kakanan sa Paseo De Roxas tungo sa des­tinasyon at pa­balik. Ang mga patungo naman ng Salcedo Village ay papadaanin sa Ayala Ave., kanan sa Apartment Ridge, kaliwa sa Sta. Potenciana, kaliwa sa Paseo de Roxas tungo sa destinasyon.

Pinapayuhan ang mga motorista na sundin ang alter­natibong ruta na kanilang inihanda habang magpapakalat ng dagdag na tauhan ang MPSD sa kalsada. Maaari ring umiwas na muna sa naturang mga lugar mula alas-2 hanggang alas-9 ng gabi upang makaiwas sa abala.

Samantala, nagsagawa naman ng pinal na inspeksyon si Makati City Police chief, Sr. Supt. Manuel Lukban sa pagdarausan ng kilos-protesta. Pinatungan na rin ng mga ta­uhan ng pamahalaang lungsod ng takip ang mga halaman sa lugar upang hindi masira sa gaganaping okasyon. 

 

vuukle comment

ARNAIZ AVE

AVE

AYALA AVE

AYALA AVENUE

GIL PUYAT AVE

KANAN

MAKATI AVE

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with