^

Metro

Mag-iina patay sa sumabog na LPG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakasunod na bi­nawian ng buhay habang ginagamot sa Philippine Ge­neral Hospital (PGH) ang mag-iina makaraang suma­bog ang tangke  ng liquefied petroleum gas (LPG)  sa loob  ng kanilang bahay sa Tondo.

Unang binawian ng buhay ang 6-anyos na anak na lalaki na nakilalang si Sean at kahapon lamang umano namatay na rin na magkasunod ang ina na si Jenny Nery, na pitong-buwang buntis 34;  at ang isa pa nitong anak na si Saina, 3, pawang mga residente ng  #1647 F. Varona St., Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni Fire Officer 2 Lord Hernandez, ng Arson Division ng Manila Fire Bureau, dakong alas-9:30 ng gabi kamakailan nang  bigla umanong sumabog ang LPG ng pamilya Nery. 

Wala naman umanong nadamay na bahay sa pag­sabog at unang isinugod ang mag-iina sa Mary Johnston­ Medical Center, ng bandang alas-9:45 ng gabi, at kinabukasan ay inilipat sila sa PGH, na kung saan halos lahat sila ay magkakasunod na namatay.

Mariin naman ang pagtanggi ng mga kaanak ng pamilya Nery na paimbestigahan pa ang insidente.

vuukle comment

ARSON DIVISION

FIRE OFFICER

JENNY NERY

LORD HERNANDEZ

MANILA FIRE BUREAU

MARY JOHNSTON

MEDICAL CENTER

NERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with