^

Metro

Rollback uli sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad  ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo  ang ilang kompanya ng langis.

Sa naturang rollback  ng Pilipinas Shell at Petron Corporation ay ibinaba nila  ang  presyo ng diesel sa  50 sentimos sa kada litro  at  60 sentimos naman sa presyo ng kerosene na epektibo dakong  alas-12:01 ng madaling-araw.

Wala namang ginawang pagbaba sa presyo ng gasolina.

Sumunod ding nag-rollback ang Flying V ng 55 sentimos sa kada litro sa diesel habang  10 sentimos ang bawas sa gasoline.

Magugunitang nagpatupad ng pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang Lunes (Setyembre 23) ng  70 sentimos sa kada litro sa gasolina, 90 sentimos  sa diesel at P1 sa kerosene.

Ayon kina  Raffy Ledesma, Strategic Communication manager­ ng Petron Corporation at Ina Soriano ng Pilipinas Shell, na ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahan naman na susunod din ang ilang pang kompanya ng langis na magpapatupad din ng rollback.

 

AYON

FLYING V

INA SORIANO

INAASAHAN

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

STRATEGIC COMMUNICATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with