^

Metro

Dayo na trike driver, itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang dumayong tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in-tandem  sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Tatlong tama ng bala ng 9mm na baril ang tinamo ng hindi pa kilalang biktima sa dibdib, likod at ulo na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40.

Sa ulat ni PO3 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide Section, naganap ang insi­dente dakong alas-3:20 ng madaling-araw kahapon sa panulukan ng Hollywood at Carrion Sts., sa Pandacan, Maynila.

Narekober ng awtoridad ang kulay itim na tricycle na ginamit ng biktima, ang suot nitong relos at dalang cellphone na gagamitin naman ng mga pulis para makaugnayan ang mga kamag-anak ng biktima.

Natagpuan ang nakataob na bangkay ng biktima sa halos  15 metro mula sa tri­cycle na kanyang minamaneho na indikasyon na nagawa pa nitong tumakbo matapos pagbabarilin.

Palaisipan naman sa mga pulis kung bakit nagawi sa lugar ang tricycle ng biktima na nakarehistro sa Mandaluyong City batay sa plaka ng kanyang motorsiklo.

 

vuukle comment

CARRION STS

HOMICIDE SECTION

MANDALUYONG CITY

MAYNILA

NAREKOBER

NATAGPUAN

PALAISIPAN

PANDACAN

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with