^

Metro

Trader natangayan ng P.5-M ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Katanghaliang tapat nang agawin ng riding-in-tandem na kawatan ang bag ng isang negosyante na naglalaman ng may P.5 milyon sa lungsod Quezon kahapon.

Sa inisyal na ulat sa pulisya, nakilala ang biktima na si Joy Chua, 46, co-owner ng Concierge Travel and Tours na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Don Ig­nacio Building, E. Rodriguez Avenue­ sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa harapan ng kanyang opisina ganap na alas-12 ng tanghali.

Diumano, kalalabas laman­g ng kanyang opisina ng biktima at bubuksan ang compartment ng kanyang sasakyang Subaru na may conduction sticker na HV-6958 nang biglang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspect.

Isa sa mga suspect ang biglang hinablot ang bitbit na bag ng biktima, saka pinaharurot ito patungong direksyon ng Cubao. Tinangka pang habulin ng biktima ang mga suspect, pero bigo rin siyang maabutan pa ito.

Tinatayang aabot sa P.5 milyon halaga ng pera na iba’t ibang denominasyon ang laman ng bag at dalawang mamahaling cellphone tulad ng iPhone ang nakuha sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

CONCIERGE TRAVEL AND TOURS

CUBAO

DIUMANO

DON IG

ISA

JOY CHUA

KATANGHALIANG

NAGSASAGAWA

RODRIGUEZ AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with