MTPB personnel sumailalim sa seminar
MANILA, Philippines - Upang mas maging maÂayos ang sistema ng paniniket ng mga traffic enforcers at pangongolekta ng parking fees, isinailalim sa seminar ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang kanyang mga personnel.
Ayon kay Logica, isinagawa ang random seminar sa mga traffic enfocer upang malaman kung sino ang may alam sa mga traffic violations na kadalasang nagiging rekÂlamo ng mga traffic violators.
Sinabi ni Logica na kapansin-pansin ang maÂling spelling o paglalagay ng violation samantalang matagal na umanong trabaho ng mga enforcer at parking collectors.
Paliwanag ni Logica, kaÂilangan na idepensa ng mga traffic enforcer ang kanilang paghuli upang hindi nakukuwestiyon ng kanilang mahuÂhuli.
Maging ang pagsusuot ng uniporme at pagpapaliÂwanag sa mga traffic violator ay bahagi din ng semiÂnar upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunaÂwaan sa pagitan ng mga ito.
Samantala, isang GPS device ang nakatakdang ibigay sa mga traffic enforcer upang malaman ang lugar na traffic at location ng mismong traffic enforcer.
- Latest