^

Metro

6 pang hi-tech na waiting shed, ilalagay sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim pang hi-tech na waiting shed ang nakatakdang  itayo ng lungsod ng Maynila bilang bahagi ng pagdidi­siplina sa mga commuters.

Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, itatayo ang mga hi-tech na waiting shed sa Sta. Isabel, Quirino Ave., Trimodal, Park and Ride, V.  Mapa at sa TIP-Manila.

Ang nasabing waiting shed ay wifi zone kung saan maaaring maka-access sa internet ang mga maghihintay at kung may emergency situation. Hanapin lamang sa inter­­ net­ connections ang ‘Erap wifi’.

Sinabi ni Moreno na layunin nilang mailagay sa iisang lugar ang mga commuters sa tamang sakayan at babaan ng pasahero upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko. Aniya, maiiwasan din ang pagkainip habang naghihintay ng kanilang masasakyan.

Noong Biyernes ay una nang pinasinayaan nina Moreno­ kasama si Manila Mayor Joseph Estrada ang University Belt waiting shed sa Univesity of Sto. Tomas.

Paliwanag ni Moreno, makikita din sa 36 degree na CCTV ang kilos ng mga commuters na maghihintay ng kanilang masasakyan

Sinabi naman ni Estrada na responsibilidad ni Supt. Santiago Pascual, hepe ng Sampaloc Police ang segu­ridad sa lugar kung kaya’t dapat na tiyakin nito na sapat  ang kanyang pulis na magbabantay 24/7 gayundin ang pag-oobliga ng mga barangay sa kanilang nasasakupan.

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MORENO

NOONG BIYERNES

PARK AND RIDE

QUIRINO AVE

SAMPALOC POLICE

SANTIAGO PASCUAL

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with