^

Metro

Serial killer umatake: Pick-up girl pinatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Manila Police­ District (MPD) hinggil sa brutal na pagpatay sa isang babae na umano’y pick-up girl na natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sabog ang mukha at ulo ng biktimang si Shiela Halili, 28, at nanunuluyan sa Casa Novela Inn sa D. Jose St., Avenida, Sta Cruz, Maynila.

Isang alias Michael, naman na may taas na 5’6, nasa edad 35-40 at matipuno ang pangangatawan ang kasa­lukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng MPD-homicide section, dakong alas-2:50 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng banyo ng Room 15 ng Carport Inn sa panulukan ng Fuguso at Lope De Vega Sts., Sta Cruz, Manila­.

Ayon kay Mario Fabillar, roomboy ng nasabing motel, kinatok niya ang kuwarto ng biktima matapos ang tatlong oras na pagrenta sa kuwarto subalit walang sumasagot dahilan upang gamitan ng duplicate key kung saan natagpuang duguang nakahandusay sa loob ng banyo.

Lumilitaw na nag-check in ang biktima kasama ang isang lalaki na umano’y mahilig kumuha ng mga pick-up girls dakong 11:50 ng hatinggabi, gayunman, hindi napansin ng pamunuan ng motel ang paglabas ng suspek at naiwan ang biktima sa loob.

Narekober sa tabi ng biktima ang malaking bato na hini­hinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.   

Inuugnay ng pulisya ang suspect sa ilang insidente ng pagpatay ng ilang kababaihan na iniiwan sa loob ng motel dahil sa parehas na pattern. Ang biktima ay sinasabing ika-6 na sa napatay ng suspek.

Sinabi naman ni Vallejo na ginagawa umano ng suspek ang krimen bilang paghihiganti, dahil sa pang-iiwan ng kanyang misis sa kanya.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

vuukle comment

BIKTIMA

CARPORT INN

CASA NOVELA INN

GLENZOR VALLEJO

JOSE ST.

LOPE DE VEGA STS

MANILA POLICE

MARIO FABILLAR

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with