^

Metro

Binatilyo binoga ng bebot, utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 16-anyos na binatilyo nang barilin sa dibdib ng hindi pa kilalang babae  na sakay ng isang taxi, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jonel Macaraeg, residente ng E. Carlos Candida st., Pandacan, Maynila.

Iniimbestigahan pa ang sinasabing babaeng namaril sa biktima, na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Candida at Pres. Quirino Avenue  sa Pandacan.

Sa ulat, nakatayo ang binatilyo sa naturang lugar nang may dumaan na isang taxi na hindi  naplakahan.

Huminto ang taxi sa tapat mismo ng biktima  kung saan nagbukas ng pinto ang sakay na babae at walang sabi-sabing binaril ang binatilyo.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang dibdib ang biktima na tumagos sa likod at naging dahilan ng kanyang kamatayan. Ang insidente ay nasaksihan ng kapatid ng biktima na si Shirley Liwanag, 26, na nagdala sa biktima sa Ospital ng Maynila, kung saan ito idineklarang patay. 

 

vuukle comment

CARLOS CANDIDA

CHARLES JOHN DURAN

HUMINTO

INIIMBESTIGAHAN

JONEL MACARAEG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PANDACAN

QUIRINO AVENUE

SHIRLEY LIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with