Fast food chain, hinoldap
MANILA, Philippines - Isang kilalang fast food chain ang hinoldap ng dalawang lalaki sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Nagpanggap munang kosÂtumer ang mga suspek saka dinisarmahan ang guwardiya, bago nag-anunsiyo ng holdap sa Chowking branch na matatagpuan sa Grand Chow Building sa M.H. del Pilar St., Brgy. San Nicolas, Pasig City.
Kaagad namang dumulog sa tanggapan ni P/Chief Insp. Glenn Magsinom, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police, ang branch manager na si Noli Caraan, 35, upang ireklamo ang krimen.
Lumilitaw sa reklamo na dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa nasabing kainan.
Nabatid na pumasok ang dalawang suspek at nagpanggap na kostumer, kung saan ang isa sa kanila ay lumapit sa cashier habang ang isa pa ay sa security guard na si Reneboy Valencia, 34, na mula sa Kerygma Security Agency.
Dinisarmahan umano ng mga ito ang guwardiya at saka nagdeklara ng holdap, gamit ang kalibre .45 baril.
Hinanap ng mga ito ang manager na nasa ikaÂlawang palapag ng fast food at sapilitang pinabuksan ang vault na naglalaman ng perang nagkakahalaga ng P80,000, saka ipiÂnaÂÂlagay sa bag nilang dala bago mabilis na tumakas, sakay ng isang pampasaherong jeepney patungo sa Pasig City Mega Market.
Inaalam na ngayon ng pulisya kung ang mga suspek ang siya ring nangholdap sa Greenwich fast food chain sa lungsod may dalawang linggo na ang nakalilipas.
Nabatid na pareho ang modus operandi ng mga suspek, bukod pa sa magkahawig ang mga ito.
- Latest