^

Metro

Carjackers sumalakay sa NAIA Terminal 3

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang naging aktibo ang mga kilabot na carjackers makaraang ta­ngayin ang isang van na minamaneho ng isang family driver sa harapan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Wala nang nagawa ang biktimang si Sonny Boy Dela Peña, 35, driver, ng  North Fairview, Quezon City kundi iulat sa pulisya ang pagtangay sa minamanehong Toyota Hi-Lux (KIN-31) ng tatlong armadong mga salarin.

Ayon kay Dela Peña, dakong alas-2:20 ng madaling araw, nakaparada siya sa harapan ng paliparan habang hinihintay ang pagdating ng balikbayan niyang amo nang katukin ng isa sa mga salarin ang bintana ng sasakyan at hiningi ang kanyang lisensya.

Sa pag-aakalang pulis ang lalaki, binuksan ng biktima ang pinto at dito na sumulpot ang dalawa pang armadong lalaki na puwersahang pinalabas siya ng behikulo saka siya pinosasan at tinakluban ng kamiseta ang kanyang ulo. Pinaandar naman ng mga carjacker ang naturang sasakyan.

Habang bumibiyahe, sinabihan umano siya ng isa sa mga salarin na kung magsusumbong sa mga pulis ay sabihin na mga miyembro ng “Dominguez Group” ang nambiktima sa kanya.  Ibi­naba siya ng mga karnaper sa madilim na bahagi ng Macapagal Blvd. kung saan pumara siya ng isang taxi at nagpahatid sa Pasay Police Station.

Iniimbestigahan namang mabuti ng pulisya ang kaso kung saan inaalam kung bakit ipinangalandakan ng mga suspect na miyembro sila ng “Dominguez Group”.

vuukle comment

DELA PE

DOMINGUEZ GROUP

MACAPAGAL BLVD

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

NORTH FAIRVIEW

PASAY CITY

PASAY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with