Erap namigay ng lupa
MANILA, Philippines - Umaabot sa 79 na pamilya mula sa iba’t ibang distrito sa lungsod ng Maynila ang tumanggap ng lupa mula kay Mayor Joseph Estrada bilang bahagi ng Land-for-the Landless Program.
Sa maikling seremonya, sinabi ni Estrada na tutuparin niya ang pangarap ng bawat Manilenyo na magkaroon ng sariling bahay at lupa.
Aniya, kailangan lamang ng mga Manilenyo na magtiis dahil unti-unting tinutupad ng kanyang administrasyon ang kanilang mga pangarap.
Kabilang sa mga nabiyayaan ng lupa ay mula sa Distrito 1, 2, 4, 5 at 6.
- Latest