^

Metro

P.5-M reward vs Kae Davantes suspects

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Itinaas  na sa P500,000 ang reward money na ibi­bigay sa sinuman na makapagbibigay-impormasyon para maresolba at madakip ang mga salarin na pumaslang sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.

Ito ay makaraang mag­labas si Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar ng P300,000 sa pag-asang sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang pagresolba sa kaso.

Nabatid na residente ng Brgy. Moonwalk sa Las Piñas City ang biktima at ang pamilya nito.

Una nang nagpalabas ang Task Force Kae ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng P200,000 pabuya na buhat umano sa pag-aambagan ng mga hindi nagpakilalang indibidwal na nais tumulong na maresolba ang kaso.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang 25-anyos na si Davantes sa Manila Memorial Park sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon.

Sinagupa ng daan-daang kaanak, ka­ibigan at mga katrabaho ang malakas na ulan bago tuluyang maipasok sa hukay­ ang ataul nito.

Kamakalawa, natagpuan din ang silver-beige na Toyota Altis nito sa Camella Homes sa Las Piñas. Tinangka umanong sunugin ng mga salarin ang kotse kung saan may natagpuang mga damit na binuhusan ng diesel at bote ng diesel.

Matatandaan na hu­ling nakitang buhay si Kae noong ala-1 ng madaling- araw ng Setyembre 7 sa Bonifacio Global City at natagpuan ang bangkay sa Silang, Cavite noong Setyembre 8.

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMELLA HOMES

CITY MAYOR VERGEL

DAVANTES

LAS PI

MANILA MEMORIAL PARK

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with