^

Metro

‘One-stop shop’ sa Manila Civil Registry

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Hall-Civil Registry Officer-in-Charge Joey Cabreza na magiging madali na ang  pag-aayos at pagkuha ng  birth, death at marriage certificate ng mga  nangangailangan nito matapos na ipatupad nila ang  ‘one stop shop’ sa  ilalim ng pamumuno  ni   Mayor Joseph Estrada.

Ang paniniyak ay ginawa ni  Cabreza,  bunsod na rin ng ilang reklamo ng mga kumukuha ng certificate kung saan sobrang  haba ang pila sa pagkuha at pagbabayad.

Subalit sa ngayong implementasyon ng  ‘one stop shop’ hindi na aalis pa sa civil registry   area ang   sinumang applicant at sa halip ay  magkakatabi lamang ang  pagkuha ng application at bayaran ng  certificate. Hindi tulad ng dati na kailangan pang pumunta at pumila sa  Treasury Division at muling babalik sa civil registry.

Gayunman, nagbabala din si Cabreza   sa  kanyang mga tauhan na ipinatutupad din ang  ‘one strike policy’ alinsunod sa kautusan ni Estrada.

Aniya, posibleng matanggal ang  sinumang empleyado na mahuhuling nangongotong o  nanghihingi ng  mas malaki sa dapat na bayaran ng mga publiko sa pagkuha ng  birth, death o marriage certificate.

Isa din sa nakikitang paraan ni Cabreza ay ang  balasahan sa mga em­ple­yado kung saan nagiging pamilyar ang  mga emple­yado sa  mga kumukuha ng  certificate na humahantong na sa  katiwalian.

Bunsod nito, sinabi ni Cabreza na pinag-aaralan na rin nila ang  full computerization  para maitala ang mga dokumento at hindi nakatiwangwang na kalaunan ay nasisira ng ulan at mga insekto.

“Kailangan lamang na ma­serbisyuhan ng maayos at mabilis ang  publiko”, ani Cabreza.

Ang birth, death  at marriage certificate ay makukuha lamang  kinabukasan.

ANIYA

BUNSOD

CABREZA

CERTIFICATE

MANILA CITY HALL-CIVIL REGISTRY OFFICER-IN-CHARGE JOEY CABREZA

MAYOR JOSEPH ESTRADA

TREASURY DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with