^

Metro

Trader, kritikal sa hataw ng baril

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babaeng negos­yante at retiradong assistant treasurer­ ng Navotas City Hall ang nasa kritikal na kondis­yon matapos itong hatawin ng baril ng lalaking nang-hold-up sa kanya kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Ginagamot  sa Jose Reyes Memorial Hospital si Rosalinda Ang, ng #37 Magat Salamat St., Bgy. Daang Hari, Navotas City sanhi ng palo ng baril sa ulo at nabagok pa ito sa semento nang mahulog sa sasakyan.

Nagsasagawa pa ng fol­low-up ang mga pulis at ina­alam pa ang pagkakakilanlan ng suspect.

Ayon kina PO2 Allan Bangayan at PO2 Philip Balera, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, naganap ang insidente  dakong 8:45 ng umaga sa kahabaan ng Padilla St., Brgy. Daang Hari ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima sa isang pedicab at hinarang ito ng suspect na naka-motorsiklo, sabay tutok ng baril at nagdeklara ng hold-up hanggang sa tinangay ang shoulder bag­ ng biktima, na nagla­laman ng hindi pa mabatid na halaga ng cash, tatlong mamahaling cellphone at ilang ATM card.

Dahil dito ay nanlaban ang biktima sa suspect kaya agad na pinalo ng baril na naging dahilan para mahulog at mabagok ang ulo sa semento.

Kaagad na isinugod ang biktima ng ilang taong naroroon sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay ma­bilis na tumakas.

ALLAN BANGAYAN

DAANG HARI

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

MAGAT SALAMAT ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY HALL

NAVOTAS CITY POLICE

PADILLA ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with